Simpleng buhay lamang ang aking taglay minsan masaya ngunit kadalasay kalungktan ang aking nadarama. Apat lamang kaming magkakapatid ngunit pinagwatak-watak na nang pagkakataon sanhi ng masalimuot na kahapon... Kung ating babalikan sampung taon na ang nakaraan na kung saan ang aming pamilya'y kumpleto, nariyan si ama kapiling namin si ina. Noon tila wala kaming problema kasi naman si ina palage siyang nakatawa kahit wala kaming pera. Si ama naman kapag dumarating mula sa malayong lugar na kong saan siya naghahanapbuhay ay siguradong pistahan ang aming kakamtin dahil sa sobrang dami ng pagkaen. Isa,dalawa...pagmulat ng aking mga mata pagsapit ng isang umaga ang dating tahanang pinuno ng kaligayahan ay unti-unting binalutan ng dilim at kalumbayan. 'Di ko matanaw kung nasaan si ama ni hindi ko makita kung nasaan si ina, hindi ko alam kong saan sila nagpunta kung kaya't ako'y nagsimula ng mangamba na baka sila'y tuluyang lumisan na.Isang gabing taimtim habang ako'y nahihimbing narinig kung may dumaraing ayun pala'y si ina'y nagkubli sa inaakala niyang matatakasan ang sakit sa kanyang damdamin ngunit tila isa siyang kandilang unti-unting nadudupok dahil sa matinding kirot na nanunuot sa kanyang loob. "Ayon si ama ng huli kong makita may kasiping ng iba!Ipinagpalit kami sa bagong pamilya. Ayon si ina lumuluha dahil sa matinding kirot sa kanyang damdamin." Matapos ang tagpong iyon ng aking buhay pakiramdam ko'y wala ng liwanag pang matatagla'y dahil sa matinding pagdurusa na aking nadama mula ng lumisan is ama't ina. Sa paglipas ng mga panahon unti-unti ko rin natutuhang tumindig sa sarili kong mga paa.Nangangarap, nagsusumikap na balang araw sisikat ang isang umaga na may tagla'y na bagong pag-asa at ang sugat ng kahapon ay unti-unting maghihilom. Ang totoo'y mahirap mabuhay ng mag-isa na malayo sa piling ni amat' ina. Wala kang malalapitan pagdating ng mga problema ni wala kamanlang mapagsabihan ng mga hinanakit at dusa, at higit sa lahat wala ka manlang mayakap pagsapit ng pagkabigo't hirap. Kong alam ko lang na darating ang ganitong tagpo sa aking buhay hindi ko na sana hinayaan pang ako'y magising sa masayang panaginip ng kahapon na kung saan kapiling ko pa ang aking mga magulang.Oh! Diyos ko bakit ganito ang buhay na naranasan ko! Ito ba ang buhay na ipinangako mo! bakit puro pagdurasa ang aking naranasan?Ito ba ang buhay na dapat kong matikman? Ang mapuno ako ng matinding kalumbayan!...kayo na makababasa nito sana inyo ng pakamamahalin ang mga magulang na inyo pang kapiling dahil baka dumating ang pagkakataong matulad kayo sa akin, na naghahanap ng kalinga ng isang ina, nag-hihintay sa pagdating ni ama at higit sa lahat umaasang sila'y muli ko pang makakasama. Diyos ko! ito na lamang ang tanging kong hiling nawa'y patnubayan ako sa aking paghimbing upang maiwaksi ang sakit dito aking damdamin....
😥😥😥😥😥
TumugonBurahin