Linggo, Marso 13, 2011

Ako'y Umiibig

Diyata't ang puso ngayo'y umaawit
Sa saliw ng aking kumakabang dibdib
Ano't sa aba ko'y sumanib sumilid
Ang kapangyarihan ng isang pag-ibig.

O napakapald ng dalwa kong mata
Na nakapanunghay sa taglay mong ganda
Lalo pa nang aking palaring makita
Ang hiyas na ngiting nungaw sa iyong mukha.

Ikaw na diwata ng aking panimdim
Ang siyang sa puso'y naghatid ng hapis
Iyong ginugulo ang bait ko't isip
Magkagayon pa ma'y walang hinanakit.

Ako baga ngayonay nagpapaalam
Sa iwi ng aking kamusmusan
Upang ngayo't ako'y natutong magmahal
Ay makipanalig sa yakag ng lumbay?

O aliw ng aking puso't kaluluwa
Pukawin na waring aking dalita
Na sa pagtugon lang ng kapwa pagsinta
Ako'y matitighaw mula sa pangamba.

Bago pa ang lahat ng mga pasakit
O mutya't bulaklak niring aking dibdib
Isinasamo kong nawa'y huwag laitin
Dahil ako ngayon saiyo'y umiibig.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento